NorthPort, balak manguna sa quarterfinals

Target ngayon ng NorthPort na manguna sa quarterfinals mula sa pagkakatabla nito sa TNT KaTropa sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Commissioners Cup.

Kasalukuyang nangunguna sa parehong record na 7-1 ang Batang Pier at TNT na sinundan naman ng Magnolia Hotshots na may record na 3-1.

Matatandaang naipanalo ng NorthPort ang laban nito kontra Blackwater sa tulong nina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer kapalit ni Stanley Pringle.


Balak ng koponan na makuha ang pang-lima nitong panalo mamaya kontra Fuel Masters na tinalo ng Magnolia noong Sabado.

Samantala, maghaharap ang Batang Pier at Phoenix Fuel Masters mamayang alas-4:30 ng hapon na susundan ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots alas-7:00 naman ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Facebook Comments