Northstar Mall sa City of Ilagan, Nilooban, 4 Milyong Piso na Halaga ng Pera at Gadgets Natangay!

*Ilagan City, Isabela* – Natangay ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang apat na milyong pisong halaga at mga gadgets matapos looban kahapon ang isang mall sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Ayon kay Police Superintendent Rafael Pagalilauan, ang hepe ng PNP Ilagan, naghukay ng butas mula sa likod ng Northstar Mall ang mga suspek na ginawang daanan upang makapasok sa naturang mall.

Aniya, nasa tatlong kalalakihan na nakasuot ng bonete ang kanilang nakita sa CCTV Camera na pumasok sa naturang mall.


Nagulat lamang umano ang gwardiya ng mall nang makitang nakabukas na ang pintuan ng Savemore at ang mga Cellphone stallment.

Sa ngayon ay Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang mga security guard at mga opisyal ng mall upang matukoy kung inside job ang naturang panloloob.

Facebook Comments