NOT GUILTY | Harvey Weinstein, nag-plead ng not guilty sa kasong rape at criminal sex act charges

New York City – Isang nakangiti at relax na Harvey Weinstein ang nakita ng mga media sa paglabas nito sa korte sa New York City matapos ang ginawang pagdinig sa kasong rape at criminal sex act charges.

Nabatid kasi na nag-plead ng not guilty si Weinstein kung saan pansamantala itong nakalaya matapos magbayad ng piyansa ng 1 million dollar.

Iginiit ng kampo ni Harvey na ang babaeng nag-aakusa sa kaniya ng rape ay naging karelasyon niya sa loob ng sampung taon kaya at imposible daw na gawan niya ito ng kahalayan.


Matatandaan na nahaharap si Weinstein sa first at third degree sa kasong rape habang first degree naman sa kasong criminal sexual act.

Facebook Comments