Showbiz – Pormal nang naghain noong Biyernes ng not guilty plea ang komedyanteng si Ronnie “Atak” Araña sa Parañaque Metropolitan Trial Court.
Kaugnay ito ng kasong acts of lasciviousness na isinampa ng complainant na si Mark Christian Macavinta.
Si Mark ang bell boy assistant ng Okada Manila Hotel and Casino na nagreklamo dahil sa di umano’y pagyakap, paghalik, at panghihipo ni Atak sa kanyang private part noong October 22.
Giit ng komedyante, malinis ang kanyang konsensya at hindi totoo ang ibinibintang sa kanya.
Umaasa siyang lalabas ang katotohanan sa likod ng akusasyon sa kanya.
Facebook Comments