
Napakalaking insulto sa lahat ng nawalan ng buhay at kabuhayan dahil sa korapsyon ang “not guilty plea” ng contractor na si Sarah Discaya sa arraignment na isinagawa ng Regional Trial Court Branch 27 sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Sinabi ito ni House Assistant at Minority Leader and Kabataan Rep. Atty. Renee Co makaraang igiit ni Discaya na hindi sya guilty sa mga kasong graft at malversation kaugnay sa 96.5 million pesos na ghost flood control project sa Davao Occidental.
Diin ni Co, hindi maloloko ni Discaya ang taumbayan sa crocodile tears nito lalo’t kailan lang ay finger heart ang pinapakita nito sa media at ginagawa pang katatawanan ang paglilitis sa kanya.
Ayon kay Co, kailangang umamin na ang mga Discaya at ilantad ang lahat ng alam nila lalo na ang mga mastermind ng nakawan sa pondo ng bayan.
Giit ni Co, dapat managot ang mga Discaya at lahat ng sangkot sa korapsyon at dapat nilang ibalik sa taumbayan lahat ng ninakaw nila.










