NOTAM na ipinatupad ng CAAP sa Bulkang Mayon, pinalawig hanggang ngayong araw

Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ipinatutupad na Notice to Airmen (NOTAM) para sa mga flight na dumaraan malapit sa Bulkang Mayon.

Sa ilalim ng NOTAM, pinapayuhan ang mga piloto na panatilihin ang vertical clearance hanggang 11,000 feet mula sa ibabaw ng bulkan.

Ang naturang NOTAM ay epektibo hanggang 9:00 ng umaga ngayong Disyembre 17.

Ayon sa CAAP, inirerekomenda sa mga flight operator na iwasan ang paglapit sa Mt. Mayon dahil sa panganib ng posibleng biglaang pagsabog at pagbuga ng ashfall.

Layunin ng abiso na matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at flight crew.

Facebook Comments