
Extended ang Notice to Airmen (NOTAM) na inilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa flights malapit sa bulkang Mayon.
Sa NOTAM, pinapayuhan ang mga piloto na lumipad ng vertical limits mula sa ibabaw ng bulkan sa hanggang 11,000 feet.
Ang NOTAM ay tatagal hanggang mamayang 9:00 AM.
Ayon sa CAAP, dapat iwasan ng flight operators na lumapit sa Mt. Mayon dahil sa panganib ng posibleng biglaang pagsabog nito at ashfall.
Pinapayuhan ang mga flight operator na iwasang lumipad malapit sa bulkan bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga pasahero at crew.
Facebook Comments









