Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Notice to Airmen (NOTAM) B3246/22 nito kaugnay ng patuloy na abnormalidad ng Bulkang Mayon sa Albay.
Epektibo ang NOTAM kaninang umaga at ito ay mananatili hanggang sa October 19, Miyerkules dakong alas nuwebe ng umaga.
Sa harap ito ng pananatili ng pinaiiral na Alert Level 2 sa Mt. Mayon dahil sa patuloy na aktibidad ng bulkan.
Pinapayuhan ng CAAP ang mga piloto na iwasang lumapit sa tuktok ng bulkan o dapat may taas na 10,000 feet para maiwasang mahigop ng makina ng eroplano ang abo na ibinubuga ng bulkan.
Facebook Comments