
Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Notice to Airmen (NOTAM) para sa mga flight malapit sa Bulkang Mayon.
Ito’y dahil sa patuloy na aktibidad nito.
Ang NOTAM ay epektibo mula alas-1:39 ng madaling araw ng Enero 12 hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Enero 13.
Bunsod nito, kanselado ang mga sumusunod na biyahe kabilang na ang:
5J321: Manila – Daraga
5J322: Daraga – Manila
5J325: Manila – Daraga
5J326: Daraga – Manila
5J172: Cebu – Daraga
5J173: Manila – Daraga
PR2921: Manila – Daraga
PR2922: Daraga – Manila
Tiniyak ng CAAP sa publiko ang patuloy na pagbibigay ng kinakailangang tulong sa Bicol International Airport sa mga pasaherong apektado ng kanselasyon ng mga flight.
Patuloy ring mino-monitor ng CAAP ang sitwasyon at muling iginiit na nananatiling pangunahing prayoridad ng ahensya ang kaligtasan ng mga pasahero at crew nito.










