Nagpalabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen o NOTAM sa Cauayan Airport hanggang Maconacon Airport.
Ito ay upang bigyang-daan ang paghahanap sa nawawalang eroplano sa Isabela noong Martes.
Ibig sabihin, walang pwedeng lumipad doon maliban sa mga eroplanong magsasagawa ng search at rescue operations.
Dalawampu’t apat na oras na iiral ang NOTAM.
Sa ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang Cessna RPC 1174 sakay ang anim na pasahero kabilang ang pilotong si Captain Eleazar Mark Joven.
Planong ipagpatuloy ang paghahanap sa eroplano anumang oras ngayong araw basta’t gumanda ang panahon.
Naka-posisyon na rin ang dalawang helicopters at dalawang drone na gagamitin sa paghahanap sa eroplano.
Facebook Comments