NOTHING IS IMPOSSIBLE | Isang bulag na lalaki sa Spain, hinahangaan dahil sa galing nitong mag-skateboard

Espanya – “Nothing is Impossible”. Ito ang ipinamalas ngayon ng isang bulag na lalaki sa Spain sa galing nitong mag-skateboard.

Si Marcelo Lusardi ay kayang mag-skateboard tulad ng mga ordinaryong tao kung saan sa una ay kailangan muna niya itong kapain at inspeksyuin ang kaniyang mga dadaanan gamit ang tungkod.

Sa una, hindi naging madali para kay Marcelo ang kaniyang sitwasyon dahil nabulag siya makaraang magkasakit at nakaranas ng depression.


Pero dahil sa tulong ng kaibigan at pagmamahal ng kaniyang pamilya, nagawang labanan ni Marcelo ang kalungkutan at bumalik sa paboritong nitong laro na skateboarding kaya at mas kinikilala na siya ngayon bilang “the blind rider”.

Facebook Comments