NOTICE! | Ilang bahagi ng Metro manila, mawawalan ng tubig!

Manila, Philippines – Muling pinaalalahanan ng MAYNILAD ang libu-libong customer nito sa ilang bahagi ng Metro Manila na mag-ipon na ng tubig dahil sa nakatakdang water service interruption simula mamayang gabi.

Magsisimula ang service interruption sa Arnaiz Avenue, Tripa De Galina, Edsa at Tramo sa Barangay Santa Clara, Pasay City mula alas 11:00 mamayang gabi hanggang alas 3:00 ng madaling araw kinabukasan.

Alas 10:00 naman ng gabi bukas magsisimula ang water interruption sa bahagi ng North Fairview hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng Biyernes.


At alas 12:00 naman ng hatinggabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas sa barangay Bagbag at alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw sa Biyernes ang interruption sa Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Facebook Comments