Notice to airmen, inilabas ng CAAP para sa mga bibiyahe malapit sa Taal Volcano ngayong araw

Naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa mga babiyahe malapit sa Taal Volcano, simula June 10, 2024, 8:39 am, hanggang June 11, 2024, 9:00 am.

Batay sa abiso ng CAAP, itinakda ang vertical limits mula surface hanggang 10,000 feet, kung saan binalaan ang mga flight operator na iwasang lumipad malapit sa tuktok ng bulkan.

Kasalukuyang nasa Alert Level 1 ang bulkang Taal, na nagpapahiwatig ng mababang antas ng aktibidad.


Pinag-iingat ng CAAP ang mga babiyahe sa potensyal na biglaang paglabas ng steam o phreatic eruptions, na maaaring magdulot ng malaking panganib sa sasakyang panghimpapawid.

Inaasahan ang mahigpit na pagsunod ng mga piloto at airline operators sa NOTAM, at ang maiging pagpaplano sa mga daraanang ruta malapit sa mga apektadong lugar.

Mananatili ring nakabantay ang mga awtoridad upang makapagbigay ng updates at masiguro ang kaligtasan ng lahat ng air operations sa rehiyon.

Facebook Comments