Nagpalabas muli ang Civil Aviation Authority of the Philippines, o CAAP ng panibagong abiso sa mga piloto bunga ng patuloy na abnormalidad ng Bulkang Mayon sa Albay.
Ayon sa CAAP, mananatili ang Notice to Airmen hanggang bukas ng alas-nueve ng umaga, araw ng Linggo.
Dahil nakataas na sa alert level 2 ang aktibidad ng Mayon Volcano, bawal na muna ang paglipad ng mga eroplano sa paligid nito dahil sa maaaring biglaang pagbuga ng abo na mapanganib sa mga eroplano.
Ang CAAP ay may pitong paliparan sa Bicol Region, kabilang na ang Bulan Airport, Sorsogon, Daet Airport, Masbate Airport, Naga Airport, Virac Airport, at Bicol International Airport.
Facebook Comments