Notorious drug suspek, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Cavite

Patay ang isang notorious drug suspek matapos manlaban sa mga pulis sa anti-drug operation sa Belmont Subdivision, Brgy. Halang, Naic, Cavite.

Ayon kay Naic Chief of Police Lt. Col. Resty Soriano, kinilala ang suspek na si Ian Labangco, 42 anyos, residente ng Cawayan, Claveria, Masbate.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Naic PNP matapos na magreklamo ang ilang mga residente sa lugar.


Nagpanggap na buyer ang isang pulis pero nakaramdam si Labangco na pulis ang kanyang katransaksyon kaya’t pinaputukan agad ito.

Gumanti naman agad ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Nakuha sa pinangyarihan ng operation ang 11 sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, isang caliber 38 na baril at mga bala.

Natukoy pa sa imbestigasyon ng Naic PNP na hindi lang sa Brgy. Halang nagbebenta ng droga ang suspek maging sa iba pang mga kalapit barangay kaya inireklamo at isinumbong na sya ng kaniyang mga kapitbahay sa pulisya.

Facebook Comments