Notorious na magnanakaw sa QC, pinaghahanap na!

Quezon City – Pinaghahanap na ng Quezon City police sa isang lalaking “akyat-bahay” na gumamit ng nakaw na panty pantakip sa mukha para hindi makilala ng kaniyang mga nabibiktima.

Batay sa kuha ng CCTV sa isang bahay sa Barangay Bahay Toro, makikita ang isang lalaking may suot na panty sa ulo at mukha na kaniyang kinuha sa sampayan ng pinasok niyang bahay.

Ayon sa pulisya, galing ang lalaki sa isang bahay na ninakawan niya ng cash at kinailangang akyatin ang bakod ng kabilang bahay para makatakas.


Nababahala naman ang magkakapitbahay na pinasok ng suspek lalo at dalawang townhouse pa sa kanila ang sinubukan din umano nitong looban.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng QCPD para matukoy ang kawatan.

Facebook Comments