NOTORYUS CARNAPPER, ARESTADO SA NUEVA VIZCAYA

Arestado ang isang notoryus na carnapper sa isinagawang hot pursuit operation sa Brgy. Decabacan, Diadi, Nueva Vizcaya umaga ng ika-9 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Kinilala ang naarestong suspek na si Clarence Cabeson, 23-taong gulang, magsasaka at residente ng Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya.

Batay sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng report mula sa sumbong ng isang biktima na ninakaw umano ng suspek ang kaniyang motorsiklo at cellphone.

Napag-alaman umano ng biktima na nanakawan siya matapos mapansing nawawala ang kaniyang motorsiklo gayundin ang suspek na nakitulog lang umano sa kaniyang bahay.

Naaresto ang suspek matapos itong makitang tumatakas lulan ng nasabing motorsiklo. Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang isang caliber 38 revolver na walang serial number na kargado ng 3 bala at ang ninakaw na Honda Click 125 color black at isang (1) Android cellular phone.

Ikinustodiya na sa Diadi Police Station ang suspek kasama ang mga nasamsam na ebidensya para sa tamang disposisyon.

Samantala, batay sa isinagawang imbestigasyon ng Diadi PNP, nauna nang naaresto ng nasabing unit ang suspek noong October 14, 2020 dahil sa kaparehong krimen.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Law), RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Qualified Theft.

Facebook Comments