Notoryus na Gun for Hire sa Isabela, Timbog sa Search Warrant, Matataas na Uri ng Baril at Bala-Nakumpiska !

755

*Quezon, Isabela- *Bagsak sa kulungan ang isang Gun for Hire at umano’y dating private escort ng isang pulitiko matapos masamsaman ng matataas na uri ng baril at bala sa ikinasang Search Warrant ng mga otoridad sa brgy Aurora, Quezon, Isabela.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Isabelo Castillo Canaoay, 58 anyos at residente ng nasabing barangay.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nasamsam mula kay Canaoay ang 1 Cal 38 revolver, 1 cal 45 pistol, 1 improvised 12 gauge shotgun, 6 live ammos ng cal 38, 37 piraso ng live ammo ng cal 45, 10 piraso ng live ammo ng cal 22, 1 bandoler, 1 holster, 2 magazine ng cal 45, 1 caliber ng M14, 6 na magazine ng M14 at isang camouflage sling bag.

Nasa kustodiya na ng PNP Quezon ang suspek na mahaharap s akanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments