Notoryus na magnanakaw sa Quezon City, arestado!

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaking notoryus na magnanakaw sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay P/ Insp. Elmer Rabano ng QCPD station 7 – ilang beses nang labas-masok sa kanilang kulungan ang suspek na si Jerry Molina alyas ‘untong’ dahil sa halos araw-araw nitong pagnanakaw sa lugar.

Giit naman ng suspek, gipit lang siya kaya nagnakaw at nagbabagong buhay na rin daw siya mula nang makalaya sa bilibid noong Disyembre ng nakaraang taon.


Katunayan aniya, nagtatrabaho siya sa isang palayan sa Bulacan.

Gayunman, positibo siyang itinuro ng nabiktima niya.
Hinikayat naman ni Rabano ang iba pang nabiktima ni Molina na magreklamo sa kanilang himpilan para mas mapalakas ang kaso laban sa suspek.

Facebook Comments