Notoryus na pusher, patay matapos manlaban sa pulisya sa Sampaloc Maynila

Manila, Philippines – Patay ang 51 anyos na notoryus na pusher na si Ricardo Garcia alyas Julius habang sugatan ang tatlong iba pa kabilang ang dalawang pulis matapos manlaban sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Florentino Street, Sampaloc Maynila.

Batay sa report ng MPD, bibili sana ng halagang 200 pesos na shabu ang dalawang poseur buyer na pulis.

Nang makatunog ang suspek na parak ang kanyang katransakyon, agad itong nagpaputok na ikinasugat ng dalawang pulis.


Dito na nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ng pusher na si Garcia at ikinasugat din ng kanyang live in partner na si Myla Cruz, 45anyos.

Mabilis na dinala sa pagamutan ang tatlong sugatan na patuloy ngayong nilalapatan ng kaukulang lunas.

Kabilang naman sa mga inaresto sina Jomar, 18 anyos, na anak ng nasawing pusher; Ronnie Garcia, 48 anyos, na kapatid ni alyas Julius at kaibigan nilang si Gregorio Asis, 35anyos.
DZXL558

Facebook Comments