Notoryus na Tulak ng Droga sa Isabela at Cagayan, Arestado ng mga Otoridad!

855

*Cabagan, Isabela- *Natimbog na ng mga otoridad ang lalaking High Value Drug Target ng PDEA at miyembro ng Rey Mamauag Criminal Group na nag-ooperate sa Lalawigan ng Isabela at Cagayan matapos ang inilatag na Drug Buy Bust Operation sa Brgy. Ugad, Cabagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, bandang 7: 45 kagabi, Pebrero 18, 2019 nang isagawa ang operasyon laban kay Regie Del Mundo, may-asawa, 33 anyos at residente ng Brgy Bungad, San Pablo, Isabela.

Nagpositibo naman ang inilatag na transaksyon ng mga otoridad kay Del Mundo na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Narekober mula sa pag-iingat ni Del Mundo ang pitong sachet ng hinihinalang shabu, isang libong piso na buy bust money, isang walang plaka na motorsiklo at isang unit ng cellphone.

Nasa kustodiya na ng PNP Cabagan ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ang pagkakahuli ni Regie Del Mundo ay sa pagtutulungan ng PNP Cabagan, Regional Intelligence Division 2, Provincial Intelligence Branch ng Isabela PPO at PDEA 2.

Facebook Comments