Novavax, gustong magtayo ng COVID-19 vaccine manufacturing plant sa Pilipinas

Interesado ang US-based manufacturing company na Novavax Inc., na magtayo ng planta sa Pilipinas para gumawa ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, may kasunduan na ang Novavax sa Serum Institute sa India pero nais din nito na magtayo ng vaccine manufacturing plant sa Pilipinas.

Bukod sa Novavax, pinag-aaralan din ng isa pang US company na Arcturus Therapeutics, ang nagde-develop ng Johnshon and Johnson vaccines, ang posibilidad na magbukas ng planta sa Pilipinas para mapalawak ang naaabot nila sa Asian market.


Samantala, nagpahayag naman ng interes si Manuel V. Pangilinan ng Metro Pacific Investment Corp. na makipagsapalaran sa paggawa ng sariling bakuna sa bansa.

Una nang inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) noong Marso na may apat na local companies ang handang makipagtulungan sa mga foreign pharmaceutical companies sa paggawa ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

Facebook Comments