Inaasahang mabibigyan ng emergency use authorization ng Food and Drugs Administration (FDA) ang Novavax COVID-19 vaccine.
Kasunod ito ng magandang resulta na ipinakita ng Novavax, isa sa mga bakunang ginawa sa US at India.
Sabi ni FDA Director General Eric Domingo, pinaniniwalaan ding epektibo laban sa Delta variant ang bakuna.
Una nang lumabas sa ulat ng Reuters na ang Novavax, na isang protein-based vaccine ay mahigit 93% na epektibo laban sa mas nakakahawang coronavirus variants.
Sa ngayon, hinihintay na lamang aniya ang pag-apruba ng EUA nito sa United Kingdom, India at Amerika bago maghain ng aplikasyon sa Pilipinas.
Facebook Comments