Inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) na naghayag ng intensyon ang Novavax na mag-apply para sa emergency use authorization (EUA).
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, sumulat na sa kanila ang Novavax at nais nilang mag-apply para sa EUA.
Aniya, nagpadala na ng ilang clinical trials results sa kanila ang Novavax.
Sa ngayon, pinag-aaralan na ito ng mga eksperto kahit hindi pa sila opisyal na nag-a-apply.
Sa tantiya ng FDA, maaaring mag-apply ang Novavax sa Hulyo o Agosto.
Samantala, paalala ng Department of Health (DOH) na ang mga COVID-19 vaccines ay kailangang mayroong Certificated of Product Registration (CPR) mula sa FDA bago ito gawing commercially available.
Facebook Comments