Pumanaw na ang women’s rights activist at manunulat na si Lualhati Bautista sa edad na 77.
Kinumpirma ito ng isa sa kaniyang apo kung saan sumakabilang buhay si Bautista alas-6:00 ng umaga nitong Sabado, February 11.
Ayon kay Xyril Salazar, mananatiling buhay ang ala-ala at mga adbokasiya ni Bautista lalo na ang ambag nito sa lipunan.
Kilala si Bautista dahil sa mga sulat nito at paglaban sa martial law sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ilan sa kaniyang mga sinulat ay ang “Dekada 70”, “Desaparesidos”, “‘GAPÔ” at “Bata, Bata…Pa’no Ka Ginawa?”
Facebook Comments