November 2022 Bar exams, isasagawa sa 14 na lugar sa bansa

Inihayag ng Korte Suprema na isasagawa ang 2022 Bar examinations ngayong Nobyembre sa 14 na local testing centers (LTCs) sa bansa.

Sa inilabas nitong pahayag, lima rito ang mula sa National Capital Region (NCR) at tig-tatlo sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Matatagpuan ang mga ito sa Northern Manila, Southern Manila, Pasay City, Quezon City at Taguig City para sa NCR; Baguio City, Lipa City at Naga City para sa Luzon; Northern at Southern Cebu at Naga City sa Cebu para sa Visayas at Cagayan de Oro City, Davao City at Zamboanga City para sa Mindanao.


Ayon sa Korte, hahatiin sa tatlong batch ang pagpili ng lugar na pagdarausan ng exam kung saan makakatanggap ang bawat batch ng dalawang notification sa kanilang registered email address sa Bar Personal Login Unified System kung saan ang una ay para sa pag-apruba ng kanilang aplikasyon at ang isa ay pagbatid sa kanila na maaari nang mamili ng venue para sa exam.

Inaasahang matatanggap nila ang notification ngayong araw, sa September 15 at 17.

Habanag maaari na sila mamili ng preferred venue sa September 14 at 15 para sa first batch; September 16 at 17 sa second batch; at September 18 at 19 sa third batch.

Facebook Comments