Sports – Hindi na raw matutuloy ang inaabangan November rematch nina Pinoy boxing champ Manny Pacquiao at WBO welterweight champ Jeff Horn.
Nag-pull out na kasi si Pacquiao dahil sa conflict sa kanyang schedule.
Sabi ni Premier Annastacia Palaszczuk ng Queensland, nag-abiso na raw si Pacquiao, gayunman, balak pa rin nilang ituloy ang laban ni Horn kontra sa ibang boksingero.
Taliwas naman ito sa inilabas na pahayag ng DUCO Events na nagsabing committed ang Pinoy boxer sa rematch nito kay Horn.
Wala pang inilalabas na official statement ang fighting senator tungkol dito.
Facebook Comments