Simula na ngayong araw ang novena mass para sa nalalapit na kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa January 9.
Sa isang mensahe, sinabi ng Rector ng Quiapo Church at Diocese of Balanga, Bataan Bishop-Elect Fr. Jun Sescon na dapat tularan ng mga deboto ang pagtanggap ni Hesus ng kaniyang krus.
Ngayong alas-dose naman ng tanghali ang unang misa nobenaryo na idaraos sa loob ng siyam na araw.
Inaasahang simula ngayon ay magtutuloy-tuloy na ang mga debotong dadagsa sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno hanggang sa kapistahan nito sa January 9 kung saan gaganapin ang taunang Traslacion.
Nauna nang naglabas ng schedule ang Quiapo Church kung saan sa January 7 ay magsisimula na rin ang pahalik sa Quirino Grandstand.
Kaninang hatinggabi, tinatayang aabot sa 70,000 mga deboto ang nakiisa sa Walk of Thanksgiving na nagtapos pasado ala-una ng madaling araw.