NPA at 4 Supporters, Sumuko; Mga Gamit ng Rebelde, Narekober

Cauayan City, Isabela- Sumuko sa pamahalaan ang apat (4) na supporter ng New People’s Army (NPA) at isang regular na kasapi sa Sitio Hot Spring, Brgy Asinga-via, Baggao, Cagayan.

Narekober naman sa lugar ang isang 40mm Grenade Launcher ammunition, mga subersibong dokumento at mga gamit pandigma dahil na rin sa tulong ng residente sa lugar.

Sa kabilang banda, matagumpay din narekober ng Joint Intelligence Task Group “BATARIS” ang isang Caliber 5.56mm rifle, isang Cal 5.56mm M653 rifle, tatlong short magazines ng M16 rifle, 63 cartridges ng 5.56mm ball, isang 40mm high explosive, isang roll detonating chord, isang roll electric wire, mga subersibong dokumento sa Sitio Catamogan, Brgy Dagupan, Allacapan, Cagayan.


Napasakamay din sa tropa ang isang unit ng Cellphone, apat sim cards, iang sako ng mga assorted na damit, siyam na backpacks, isang shoulder bag, apat (4) na bandoliers, pitong (7) ponchos, pitong (7) lunch box, at mga gamot.

Ang boluntaryong pagsuko ng mga NPA Supporters at member ay resulta ng patuloy na operasyon ng 501st Infantry Brigade sa lugar.

Pinapurihan naman ni MGen Laurence E Mina PA, Commanding General ng 5th Infantry Division ang accomplishment ng tropa at pinasalamatan din ang mamamayan sa lugar dahil sa ipinakitang pakikipagtulungan sa mga sundalo upang masugpo ang terorismo sa lugar.

Facebook Comments