NPA at mga pulis, nagkasagupa sa San Nicolas sa Pangasinan

Manila, Philippines – Patuloy ang pagsiklab ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at NPA sa iba’t ibang panig ng bansa.

Matapos sa Casiguran, Sorsogon kanina – nagkasagupa rin ang mga pulis at npa sa bayan naman ng San Nicolas sa Pangasinan.

Ayon kay San Nicolas Chief of Police Sr. Insp. Arnol Soriano, alas nueve y media kaninang umaga nang sumiklab ang bakbakan habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng regional public safety batallion-1 sa Sitio Campor, Barangay Sta. Mariz, San Nicolas, Pangasinan.


Patuloy ang follow up operation at kinukumpirma pa ang mga impormasyon kaugnay sa posibleng casualties.

Itinanggi naman ni Soriano ang mga impormasyon na sinalakay at kinubkob ng NPA ang munisipyo ng San Nicolas.

Facebook Comments