NPA at Milisyang Bayan, Sumuko sa Probinsya ng Quirino

32

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang isang regular na miyembro ng Communist-NPA-Terrorist (CNT) at isang miyembro ng Milisyang Bayan (MB) dala ang isang (1) Garrand Springfield na baril na may 29 na bala sa bayan ng Nagtipunan, Quirino.

Sumuko kahapon, Agosto 8, 2020 si alyas “Delfin” regular na miyembro ng NPA at alyas “Kom-it” isa sa mga miyembro ng Milisyang Bayan na parehong miyembro ng Komiteng Larangan Guerilla Quirino-Nueva Vizcaya (KLG Q-NV) ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV) sa pinagsanib na pwersa ng 86th Infantry (Highlander) Battallion sa ilalim ng 502nd Infantry (Liberator) Brigade, 5ID, PA at PNP Nagtipunan, Quirino.


Ipinapaabot naman ni BGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5th Infantry (STAR) Division sa dalawang sumuko ang mga makukuhang benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na programa ng pamahalaan para sa mga rebel returnees.

Nananawagan naman ito sa lahat ng mga natitira pang kasapi ng NPA at mga milisyang bayan na magbalik loob na sa gobyerno upang mamuhay ng payapa kasama ang pamilya.

Facebook Comments