Manila, Philippines – Aabot sa mahigit 2.1 billion pesos ang halaga ng mga ari-arian ng sinira ng New People’s Army (NPA) sa Eastern Mindanao nitong taon 2017.
Ito ang inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maituturing na umanong “economic sabotage.”
Ayon kay AFP Spokesman Major Gen. Restituto Padilla – ang nasabing halaga ay mula sa limampung insidente ng pagsusunog at paninira ng NPA sa mga negosyo mula Enero hanggang ngayong buwan ng Nobyembre.
Base na rin aniya ito sa mga report na na-validate sa ground.
Tumaas din ito ng 2000 percent mula sa datos ng AFP noong nakaraang taon na aabot sa isang daang milyong pisong halaga ng pinsala.
Facebook Comments