NPA ATTACK | Halos 2.1 bilyong pisong halaga ng ari-arian, sinunog at sinira ng NPA nitong taon

Manila, Philippines – Tinatayang 2 bilyong pisong halaga ng mga ari-arian ang nasira sa mga pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa Mindanao.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Major Restituto Padilla, naitala ito mula Enero hanggang Nobyembre 2017.

Kabilang sa pag-atake ng NPA ang panu­nunog at paninira sa mga gamit sa ilang negosyo at mga estabilisimyento.


Giit ng opisyal, ang walang tigil na pag-atake ng NPA ay malaking epekto sa ekonomiya.
Nabatid na noong 2016 ay umabot naman sa mahigit P100 milyong halaga ng kabuuang pinsala sa sektor ng kalakalan dahil sa mga pag-atake ng NPA.

Facebook Comments