NPA | Bomb expert, sumuko sa militar

Manila, Philippines – Sumuko sa 71st infantry battalion ng 7th infantry division ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang bomb expert at miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay 71st infantry battalion, Commanding Officer Lt. Col. Esteveyn Ducusin, kusang sumuko si Jomar Madalo Antolin alyas Raffy, pitong taon nang mIyembro ng guerilla front 2 ng southern regional committee ng NPA na nag-ooperate sa Compostela Valley Province.

Napag-alaman na sangkot din ito sa ilang mga naganap na enkwentro, harassment at pagpapasabog ng Improvised Explosive Device laban sa mga sundalo.


Facebook Comments