Manila, Philippines – Hinamon ng Palasyo ng Malacañang ang pamunuan ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front o CPP-NPA-NDF na ipakita ang kanilang sinseridad sa paghahanap ng kapayapaan para sa lahat.
Ito ang ginawa ng Malacañang matapos magbaba ng kautusan ang CPP-NPA-NDF na magsagawa ng mga pagatake laban sa Pamahalaan bilang pagpapakita ng kanilang protesta sa planong
pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, matagal nang ipinapakita ng Pamahalaan ang commitment nito sa paghahanap ng kapayapaan at ito din ang dapat gawin ng NPA para ipakita ang kanilang sinseridad sa pakikipagtulungan sa Gobyerno.
Sinabi pa ni Abella na kung tunay na naghahangad ng kapayapaan ang NPA ay dapat tumayo ito katuwang ang Gobyerno.
Binigyang diin ni Abella na dapat ay itigil ng NPA ang kanilang mga iligal na gawain lalo na ang pagatake sa msa sundalo at pulis pati narin ang kanilang extortion o ang paniningil ng revolutionary tax.
NPA, dapat ipakita ang commitment sa paghahanap ng kapayapaan ayon sa Palasyo
Facebook Comments