NPA, gagawing sundalo ng Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Gagawing sundalo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang New People’s Army (NPA).

Alok ito ng Pangulo kasabay ng talumpati niya sa Digos City, Davao del Sur kahapon.

Aniya, ito ay kung susuko ang NPA sa gobyerno.


Hinamon din naman ni Duterte ang CPP-NPA-NDFP na magdeklara ng ceasefire kung nais pa nilang ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.

Facebook Comments