NPA, hindi serysoso sa pag-amin ng pagkakamali sa pagkakapatay sa magpinsan sa Masbate ayon sa JTF Bicolandia

Hindi naniniwala ang Joint Task Force Bicolandia na sinsero ang New People’s Army (NPA) sa pag-ako nito pagkakamali sa pagkamatay ni Far Eastern University (FEU) football player Keith Absalon at pinsan nitong si Nolven.

Ayon kay Major General Henry Robinson Jr., Commander ng JTF Bicolandia at 9th Infantry Division ng Philippine Army, kung totoo ang pag-ako sa krimen ng NPA, isusuko nila ang kanilang mga kasamahan na responsable sa pagpatay sa magpinsan.

Para sa kanya, humingi lang ng paumanhin ang NPA matapos mabatikos ng publiko dahil sa kanilang acts of terrorism at dahil public figure si Absalon.


Sinabi ng opisyal kung ordinaryong mamamayan lang ang kanilang biktima, babalewalain lang nila ito at itatanggi ang pagkakamali.

Kaya naman, karapat-dapat lang umano silang tawaging terorista dahil patuloy ang kanilang paglabag sa domestic at international laws sa pagpapasabog ng landmines.

Hinikayat naman ng opisyal ang human rights advocate sa Bicol na magkaisa at tuligsain ang ginawa ng mga NPA at ipaglaban ang karapatang pantao sa kanilang lugar.

Facebook Comments