Tuloy ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa New People’s Army (NPA) ngayong Pasko, batay na rin sa desisyon ng Pangulo na hindi magpatupad ng holiday ceasefire.
Ito ang pahayag ni PNP Chief PGen. Debold Sinas sa harap na rin ng aktibong pagtugis ng PNP sa mga NPA na wanted sa batas.
Pero ayon kay Sinas, tatanggapin naman ng PNP ang mga NPA na magbababa ng kanilang armas at bolunyaryong susuko sa gobyerno.
Iniulat ng PNP Chief na kahapon lang ay tinanggap nila ang pagsuko ng limang NPA sa Eastern Visayas.
Ang mga ito ay sina:
1. Ma. Rechiel Yrigon
2. Ronalyn Lucendo Capoquian
3. Francisco Dacles Jr.
4. Rio Bersola
5. Apolonio Pabilando Jr.
Sila ay mga dating miyembro ng SRC Browser at Jorge Bolita Command ng CPP-NPA Eastern Visayas Regional Party Committee.