Npa, Hinimok Ni P-Duterte Na Bisitahin Ang Kanilang Mga Pamilya Ngayong Pasko

8

MANILA – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA)na bisitahin ang kanilang mga pamilya ngayong pasko.Ito’y kasunod ng pagdedeklara ng pangulo ng ceasefire sa rebeldeng grupo.Panawagan ng Pangulong Duterte sa NPA – bitawan muna ang kanilang armas at bumaba sa mga siyudad para makasama ang kanilang mga pamilya ngayong kapaskuhan.Ipinangako rin ng Pangulong Duterte na walang aarestuhin mula sa mga makakaliwang grupo.Bukod dito, hinikayat din ng Pangulong Duterte ang mga kapatid nating muslim na makisalo ngayong panahon ng pagbibigayan.

Facebook Comments