Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa New People’s Army (NPA) na magsagawa ng mga pag-atake sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito’y bilang tugon nila sa hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-extend ng hanggang Disyembre ang martial law sa buong Mindanao.
Ayon sa CPP, magreresulta lamang ang pagpapalawig sa martial law sa mas malupit na pang-aabuso ng militar at pulis.
Pahahabain din anila nito ang paghihigpit laban sa civil at political freedom at palalalain ang mga paglabag sa demokratikong karapatan ng mamamayan.
Magiging pag-atake rin anila ito sa karapatan at kalayaan ng bawat Pilipino.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments