Kalaban ng Estado.
Ganito itinuturing ng pamahalaan ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Sa Mindanao Hour sa Malacañang ay sinabi ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, armed group ang NPA at mahigit 4000 ang bilang ng mga ito na ang tanging pakay ay pabagsakin ang gobyerno.
Paliwanag ni Esperon, gustong itayo ng NPA ang kanilang sariling gobyerno at sakaling magawa ito ay good bye na democratic way of life ng mga Pilipino.
Binigyang diin din ni Esperon na matagal nang nakikipag-usap ang pamahalaan sa mga rebelde mula pa noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino at ngayong termino na ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mas naging bukas pa ang pamahalaan sa mga makakaliwa dahil taga Mindanao ang Pangulo.
Sinabi din ni Esperon na mayorya o 80 ng logistics ng NPA ay nasa Mindanao.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw na niyang makipag-usap sa NPA dahil marami nang pinatay na sundalo at pulis ang mga ito kaya naman inatasan ng Pangulo ang Armed Forces of the Philippines na pagkatapos ng bakbakan sa Marawi City ay tututukan naman ng gobyerno ang rebeldeng NPA.