NPA itinuturo ng militar na responsable sa serye ng patayan sa Negros Oriental

Iginigiit ng AFP Central Command na ang NPA ang nasa likod ng serye ng patayan sa Negros Oriental.

Ayon Kay Central Command Commander Lieutenant General Filemon Santos, ang NPA lang ang gagawa ng mga patayan, dahil ginagamit nila ang mga ito para makapagreklamo ng human rights violations sa international community.

Layunin aniya nito ay para makalikom ng mas maraming pondo mula sa mga foreign NGO’s.


Pero sinabi ng Heneral na hindi naman pwedeng magsisihan na lang ang pamahalaan at mga komunista, at kailangang mawakasan ang karahasan sa lalawigan na resulta ay ang insurgency.

Inamin ni Lieutenant General Filemon Santos na may problema talaga sa NPA sa Negros Oriental, kaya nagdagdag na sila ng pwersa sa lalawigan sa paglipat ng 302nd Brigade mula sa Bohol at isang karagdagang battalion mula sa Zamboanga.

Facebook Comments