RMN DXPR Pagadian City——-Mga Miyembro umano ng New peoples Army (NPA) ang nasa likod sa nangyaring panununog ng dalawang mga sasakyan na pagmamay-ari ng Ramona Construction (Congressman Victor Yu) sa Purok 1, Barangay Licabang, Bayan ng Dumingag , lalawigan ng Zamboanga del sur.
Ayon kay Police Chief Inspector Edgar Retuya Hinoctan, hepe ng Dumingag Municipal Police Station na nagpakilalang mga miyembro umano ng NPA ang mahigit labing-limang mga kalalakihan na siyang nagbuhos ng gasolina sa tatlong mga heavy equipment subalit dalawa lang nito ang nasunog.
Aniya mabilis ang pagrespondi ng mga kasapi ng 53rd Infantry Battalion na nasa di kalayoang lugar na siyang nagbabantay sa mga heavy equipment ng mangyari ang pag-atake ng mga suspetsado kung saan ginawa di-umano ang pagsesemento sa daan papunta sa Bayan ng Sindangan.
Isang lingo bago pa ang panununog, may mga kalalakihan na ang umaali-aligid sa nasabing Barangay sakay ng mga single na motorsiklo na posebling may kinalaman sa panununog sa dalawang mga sasakyan, subalit hanggang sa mga oras na ito, di pa rin inako ng NPA kung sila nga ba talaga ang nasa likod sa panununog dahil wala namang naiulat na humihingi ng rebolusyonary tax ang mga NPA sa Ramona Construction na pagmamay-ari ng dating Kongresista. (dxpr News Team)
NPA, itinuturong nasa likod sa panununog ng mga sasakyan na pagmamay-ari ng dating Congressman
Facebook Comments