NPA leader, patay; 7, arestado sa magkahiwalay na engkwentro sa Ozamiz City

Nasawi ang isang lider ng New Peoples Army habang pitong ranking members ang naaresto matapos ang hilaway na engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng 10th Infantry Batallion ng Philippine Army at PNP mobile force company sa Ozamiz City.

Kinilala ang nasawing NPA Lider na sa alyas Nasi o Felix nagsisilbing Secretary Guerilla Front Committee Sendong ng Western Mindanao Party Commitee.

Ayon kay Captain Clint Antipala, ang tagapagsalita ng 1st Infantry Division, namatay si alyas Felix sa ikalawang sagupaan sa barangay Cogon na nagtagal ng limang minute.


Habang sa unang sagupaan na naganap sa barangay Bagacay na nagtagal ng sampung minuto kung saan naaresto ang pitong miyembro ng NPA na nagsisilbing mga platoon leaders at section leaders.

Nakuha sa mga rebelde ang isang M16 rifle, apat na caliber 45 pistol, pitong hand grenade, tatlong motorsiklo, improvised explosive components, at extortion money na 50,000 pesos.

Facebook Comments