Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na maaari nang makasuhan sa International Criminal Court ang New Peoples Army o NPA sa oras na maideklara itong isang Terrorist Group ng Gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa oras na makapagpalabas ng proklamasyon si Pangulong Duterte na magdedeklara sa NPA bilang isang terrorist group ay puwede nang papanagutin sa war crimes ang mga ito sa ilalim ng International Humanitarian Law batay sa Geneva Convention.
Hindi narin naman aniya bago ang issue dahil ang NPA ay matagal nang naideklarang teroristang grupo ng Estados Unidos at ng European Union.
Paliwanag ni Roque, napuno na si Pangulong Duterte sa kawalan ng sinseridad ng NPA sa isinusulong na kapayapaan ng pamahalaan dahil patuloy ang mga ito sa pag-atake sa pamahalaan at maging sa sibilyan.
NPA, maaari nang kasuhan sa International Criminal Court?
Facebook Comments