NPA, muling lumabag sa unilateral ceasefire ngayong nasa krisis ang bansa

Lumabag naman sa unilateral ceasefire ang New People’s Army (NPA) matapos ang pangingikil sa mga residente at pag-atake sa mga sundalo sa Agusan Del Norte.

Ayon kay 4th Infantry Division Spokesperson Lieutenant Colonel Xerxes Trinidad, nangikil sa mga residente ng Brgy. Cuyago Jabonga, Agusan Del Norte ang nasa 18 miyembro ng NPA kahapon.

Nakarating ito sa tropa ng 29th infantry battalion ng 4th infantry division na nagsasagawa naman ng security patrol sa lugar.


Rumesponde sila araw at nangyari ang 15 minutong sagupaan na nagresulta sa pagkasugat ng ilang miyembro ng NPA.

Nakuha rin ng mga sundalo sa pinangyarihan ng sagupaan ang tatlong AK47 rifles at mga bala ng AK47 at M16 rifles.

Sinabi ni Trinidad, ang ginawang ito ng mga NPA ay patunay na naman na hindi sila seryoso sa anumang usapan kahit sa mismong ideneklara nilang ceasefire ngaying nakakaranas ng krisis ang bansa dahil sa COVID-19

Una nang inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may tatlo nang paglabag ang NPA sa umiiral na ceasefire.

Facebook Comments