Caraga – Nagbanta ang New People’s Army na patuloy ang kanilang gagawing pagsalakay sa mga kompanyang mapagsamantala lalo na dito sa Caraga Region.
Isa ang DOLE Philippines sa kompanyang binanggit ni Ka-Amihan, tagapagsalita ng Guerilla Front Committee 19B ng NPA.
Ayon sa kanya, iilan sa mga maling nagawa ng DOLE Philippines ay ang pang-aagaw sa mga lupain na pagmamay-ari ng mga lumad kaya’t nawalan ng lupang sakahan ang tribo at ang patuloy na paggamit ng nakakalasong mga chemicals.
Matindi naman nitong itinanggi ang paratang ng Militar at PNP na ang hindi pagbigay ng revolutionary tax ang dahilan kung bakit ginawa nila ang mga pagsakalay sa mga kompanya.
Matandaan na noong Martes lang, anim na mga sasakyan ng DOLE Philippines ang sinunog sa may Tago, Surigao del Sur at dalawang heavy equipment ng Mamsar Industrial Corp. ang sinunog sa Surigao City.