NPA, nagsagawa ng panibagong harassment sa Butuan City at road blocking sa Agusan Del Sur

Agusan Del Sur, Philippines – Panibagong harassment ang ginawa ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) alas 7:30 kagabi sa Barangay Pianing, Butuan City.

Ayon kay Lt. Col. Glenn Joy Aynera, commander ng 29th IB, Philippine Army, wala namang naitalang casualty sa ilang minutong putukan at nagpapahiwatig lamang daw ang NPA na tutol ito sa deklarasyon ng martial law sa buong Mindanao.

Samantala, sa Barangay Del Monte, bayan ng Talacogon, Agusan Del Sur nagsagawa naman ng checkpoint /road blocking ang NPA, alas sais kaninang umaga, Mayo 25.


Ito ang kinumperma ni Talacogon Mayor Jesryl Masendo.

Umabot sa 15 minutos ang road blocking na ginawa ng mga miyembro ng NPA hindi kalayuan sa DENR checkpoint kung saan dalawang baril sa mga bantay sa checkpoint ang natangay.

Agad namang naglunsad ng pursuit operations ang mga otoridad upang tugisin ang mga rebelde.
DZXL558

Facebook Comments