NPA, nilusob at tinangay ang mga kagamitan ng isang security agency sa Camarines Sur

Camarines Sur, Philippines – Patuloy na kinokondena ang paglusob ng NPA sa Marilag Professional Security Services sa Camarines Sur matapos na dukutin ng mga ito ang dalawang officer.

Kinilala ang mga ito na sina Lorenzo Maragay, 52-anyos, at si Noel Solamo, 45-anyos, pawang may mga asawa.

Sinundan din ito ng pagdukot kay Kapitan Antonio San Luis at ng pagsunog sa mga kagamitan ng naturang ahensiya na siyang nagbabantay sa road widening ng bayan ng Lagonoy.


Patuloy ang hot pursuit para mapanagot ang mga rebeldeng sangkot dito.

DZXL558, Leo Barcellano

Facebook Comments