NPA, patay habang 3 sundalo sugatan sa sagupaan sa Nueva Vizcaya

Manila, Philippines – Patay ang isang miyembro ng New People’s Army matapos magka-engkwentro ang tropa ng 84th Infantry Battalion ng Philippine Army at hindi pa mabilang na miyembro ng NPA sa Barangay Sanguit, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lt. Col. Ray Tiongson, alas-8:30 ng umaga kanina nang magkasagupa ang dalawang grupo.

Rumeresponde ang tropa ng militar sa lugar matapos makatanggap ng impormasyong may presensya ng NPA na nangingikil ay bigla na lamang silang pinaputukan ng mga rebelde.


Nagtagal ang sagupaan ng tatlong oras bago nagsitakbo papalayo ang mga nakalabang rebelde.

Sa isinagawang clearing operation, narekober ang labi ng isang miyembro ng NPA habang tatlong sundalo ang naitalang sugatan.

Narerkober rin sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M16 rifle.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagtugis ng militar sa mga nakalabang rebelde.

Facebook Comments